Jon Avila says he's not courting Rufa Mae Quinto
Written on 4:04 PM by Blogtopia
Nilinaw ni Jon Avila ang ipinahayag niya noon na crush niya si Rufa Mae Quinto. Pero, nang tanungin siya sa isang talk show at kung ano ang tipo niyang babae, dapat daw ay exotic looking ito, or morena, kabaligtaran ng physical attributes na maglalarawan kay P-chi.
"Normally, yung mga morena at exotic looking ang type ko," sabi ni Jon nang makasalubong namin siya sa hallway ng TV5 kamakailan na nasa Novaliches, Quezon City, habang kasagsagan ng taping ng Shall We Dance? kung saan isa siya sa co-host ni Lucy Torres-Gomez.
Patuloy niya, "Hindi naman laging may particular type ako, pero kung preference, sinasabi ko talagang mas gusto ko ang morena.
"Lumaki ako sa London, di ba? Ang lagi kong nakikitang mga babae roon, mapuputi.
"Pero, totoo yun, that I had a crush on P-chi the first time I saw her on TV. Hindi naman big deal yun or contradictory talaga roon sa sinabi kong nagkaka-crush ako normally sa mga exotic-looking at morena."
For the record, idiniin ni Jon na friends lang talaga sila ni P-chi. Lalong tumindi ang closeness nila nang magkatrabaho sila sa Single, para sa sariling produksyon ni P-chi, in cooperation with Viva Films.
"Nami-miss ko nga yung shooting namin, kasi, tapos na yung movie," ani Jon. "Naghihintay na lang kami ng playdate for early next year. Nagda-dubbing na lang kami.
"Grabe kasi ang bonding namin for that movie. Si P-chi, laging nagpapatawag ng nighout after shooting, kapag maaga kaming natatapos.
"Masaya ang bonding namin doon, with Raf [Rafael Rosell] and the others. P-chi is such a cool producer. Hindi ko nga naramdaman na trabaho yung ginawa namin," kuwento pa ng half-British hunk.
RELATING WITH RUFA MAE. Sa ngayon, parang ayaw yatang magsalita muna ni P-chi tungkol sa mga lalaki. That was after na magkaroon daw ng isyu sa kanila ng half-Mexican BF niyang si Bobby Lopez.
"Nagkausap kami ni P-chi about her ex-BF," pagtatapat ni Jon. "Alam ko kasing mahirap yung long-distance relationship nila. Nakaka-relate ako roon.
"Naranasan ko na rin yun, pero I can feel, she's also happy with her relationship kay Bobby. Pero, mahirap. Kaya sa ganoon, lagi kaming nag-uusap ni P-chi. We always have a lot of things to talk about.
"Nasasabi nga niya sa amin na talagang wala na siyang time. Masyado siyang busy. Dumarating siya sa set, sluggish ang feeling niya, lagi siyang puyat.
"Napakasipag din kasi niya. Kaya kahit hindi long-distance relationship siguro, baka hindi niya masyadong maasikaso ang love life niya," nasabi na lang ng binata.
Pareho rin daw kay Bobby yun, na wala ring oras para kay P-chi.
"For the record, I'm not courting P-chi," sabi pa ni Jon. We're friends. Click kami when we're together. Pero kung iisipin mong ipapasok namin yung pagkakaroon ng relationship, baka lalo lang gumulo ang situwasyon.
"As of now, we're good friends. I just want to take this slowly. Let's just see what will happen," dugtong niya.
CAREER-ORIENTED. Pareho rin silang career-oriented ni P-chi, lalo na siya na kailangang tutukan niya ang career dahil hindi pa siya established as an actor.
Mapapanood muna si Jon sa Metro Manila Film Festival entry na One Night Only para sa OctoArts Films; and among the guys sa cast ng Single, si Jon ang may pinakamalaking role as the leading man of Rufa Mae.
"Sa December 3, mag-uumpisa na kami ng taping for Sanlakas, the all-star cast tele-fantasya kung saan pagsasama-samahin sina Kapitan Boom, Varga, Kapitan Inggo, Tiny Tony and the others na creations ni Mars Ravelo.
"It's another good break for me after I played the role of Kapitan Boom, di ba?"
- Archie de Calma, PEP
If you enjoyed this post Subscribe to our feed