Jon Avila ok with kissing scene with Allan K

0

Written on 3:59 PM by Blogtopia

May ginagawang pelikula ngayon ang model turned actor na si Jon Avila na intended for the Metro Manila Film Festival, ang One Night Only under OctoArts Films. Habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), panay ang bida ni Jon kung gaanong kasarap katrabaho ang co-star niya sa pelikula na si Valerie Concepcion na member din ng cast ng Banana Split, kunsaan guest siya.

"She's fun to be with. Ang lakas ng energy niya," sabi ni Jon sa PEP about Valerie, sa set ng November 20 taping ng Banana Split. 

Posible bang magkagusto siya sa isang babae na may anak na, pero hindi naman kasal?

"Yeah! Okey naman," sagot agad ni Jon.

So, posibleng magkagusto siya kay Valerie na may isang anak na?

"Posible! Maganda naman siya at mabait pa. Pero sa ngayon we're just friends. Tingnan na lang natin what will happen next or in the future."

INTERESTED ON KC.  Bukod kay Valerie, nagagandahan din si Jon kay KC Concepcion. At sinabi niya sa PEP na crush niya ang panganay ni Sharon Cuneta.

Na-meet na raw niya si KC nang mag-guest siya kasama si Jake Cuenca sa show ni Sharon na Sharon.

"Pumunta siya doon to check on her mom. ‘Tapos ‘ayun nag-meet kami. Mukhang mabait siya ‘tapos gusto ko ang talking voice niya, ang cute."

Kinuha ba niya ang cell phone number ni KC?

"Ah, hindi," sagot niya. Pero may balak din daw si Jon na kunin ang number ni KC ‘pag nagkita sila ulit nito.

Noon ang sabi ni Jon ay si Maja Salvador ang crush niya at gusto niya itong ligawan. Anong nangyari at mukhang hindi niya na type ang dalaga at si KC na nga ang gusto niya?

"Sweet si Maja but she's too young for me," sagot ni Jon.

ALLAN K'S CRUSH. Isa si Jon sa member ng Cover Boys na napapanood sa ASAP '08 every Sunday. Sa members ng Cover Boys ay very vocal ang komedyanteng si Allan K sa pagsasabi na si Jon ang pinakagusto niya. Ano naman ang reaksyon ni Jon tungkol dito?

"Talaga? Ako ang pinakagusto niya? Thank you!

"Nung birthday ko, may concert ako sa Zirkoh. And I'm very grateful that he guested in my concert," kuwento pa ni Jon.

Sabi pa ni Allan K, kung sakaling may offer sa kanyang movie at papipiliin siya kung sino ang gusto niyang maging leading man, ang pipiliin niya ay si Jon.

"Thank you sa kanya," tanging nasabi na lang ni Jon.

Paano kung halimbawang may kissing scene sila ni Allan, okey lang ba sa kanya?

"Okey lang," walang kagatul-gatol na sagot ng Kapamilya hunk.

E, paano kung halimbawang ligawan siya ni Allan?

"Ang gusto ko ay babae," tanging sagot na lang ni Jon.

 

- Rommel Placente. PEP

If you enjoyed this post Subscribe to our feed

No Comment

Post a Comment