Jon Avila talks about what's next for him after "Kapitan Boom" and his love life

0

Written on 1:01 PM by Blogtopia

Marami ang nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa career ni Jon Avila pagkatapos na mabigyan siya ng break sa Kapitan Boom. Naka-focus muna si Jon sa paggawa ng pelikula at mayroon siyang pinagkakaabalahang dalawang proyekto sa ngayon.

"Sabay kong ginagawa, both for Direk Joey Reyes. The one is for Viva, with Rufa Mae Quinto, entitled Civil Status: Single, and the other is for OctoArts, One Night Only, which the story, happened in just one day. It's kind of a fast-paced movie," sabi pa ni Jon.

AFTER KAPITAN BOOM. Ito'y habang pinag-iisipan pa sa ABS-CBN ang follow-up sa Kapitan Boom. May alam na si Jon sa mga detalye, pero mas mabuting manahimik na muna siya habang hindi pa tiyak ang pagtatrabaho niya para rito.

"It's going to be a surprise, but for sure, matutuwa ang mga tao, bata o matanda," nangingiting sabi pa ni Jon.

Mabilis ang mga pangyayari sa career ni Jon pagkatapos na maging sensation siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

"I consider everything a blessing. Hindi ko naman na-plan ang mga bagay na ito. Experiencing everything so fast is overwhelming for me.

"Sa London kasi, roon ako lumaki, and I'm not used to get a lot of attention," kuwento pa ng binata.

Pero, sa ngayon ay talagang nalulunod siya sa atensiyon ng mga tao, at mabuti na lang, marunong ding humarap sa ganitong situwasyon ang baguhan.

"It's a nice feeling, just to know na kahit paano, I can inspire people. I know the responsibility when people already look up to you," dugtong pa ni Jon.

Ginagamit na rin niya yun sa kanyang advantage, at para makatulong na rin daw sa ibang tao, sa paraang makakayanan niya.

If you enjoyed this post Subscribe to our feed

No Comment

Post a Comment