Aspiring model-actor Jon Avila pissed off by comment about his nationality

0

Written on 1:10 PM by Blogtopia

Unang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jon Avila, one of the newest Bench endorsers and part of ABS-CBN Star Magic Batch 15.

Formerly using his real name Jon Mullaly, Jon was the 2006 male winner of Century Tuna Super Body. He was born and raised in Stratford, east of London. He took up business course in Chelmsford College.

Isang fly-in model ang half-Irish, half-Filipino si Jon. Sinuwerte siya sa pagkakapanalo sa Century Tuna Super Bod at nagsunud-sunod na ang kanyang endorsements at modeling projects, including a full poster for Bench na nasa EDSA pa rin hanggang ngayon.

The original article of PEP about Jon was posted here last May 31. Isang deleted nang comment ang nagkuwestiyon sa kanyang nationality. Hindi raw totoong taga-Britain siya, dito lang siya sa Pilipinas lumaki at fake ang kanyang accent.

Nabasa ni Jon ang naturang comment the first time it was posted.

Sa party ng isa pang miyembro ng Star Magic Batch 15 na si Jordan Aguilar noong August 31, naitanong na rin namin kay Jon ito at nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan noon. Pero dahil sa maingay, hindi namin nakuha ang full statement niya.

Sa presscon ng September-born stars of Star Magic kagabi, September 26, sa ABS-CBN building, muli kaming nagkausap ni Jon at ito ang naging topic namin.

"Yeah, I remember reading that comment. Kapal ng mukha niya!" sabi ni Jon in his very authentic British accent na mahirap ma-maintain kung aral lang ito.

"They never saw my passport, why should they say something like that? They're weird," aniya pa.

Nilabas ni Jon ang kanyang U.K. driver's license. It reads his full name Jonathan Mullaly at current pa ang license until 2008. Embedded ang picture niya sa mismong ID.

Normally daw, he wouldn't answer rumors kahit ano pa ‘yon. Pero naasar siya na pati ang nationality niya at ang kanyang accent ay pagdududahan pa.

Jon turned 22 last September 1st. May commercial na rin siya. Isa siya sa tatlong lalaking tumatakbo sa forest sa Bench commercial in briefs; the other two being Pinoy Big Brother Season 2 housemate Bruce Quebral and recent Urian Best Supporting Actor winner Rafael Rosell.

Kasali si Jon sa sinu-shooting nang Star Cinema movie, starring Aga Muhlach and Anne Curtis, na may working title na Waiting for Love.